
Kinilala si Rhian Ramos bilang Best Actress sa 12th KAKAMMPI OFW Gawad Parangal na ginanap noong Sabado, December 16, sa Anchor Center Bldg. sa Quezon City.
Ang parangal na ito ay pagkilala sa kaniyang kahanga-hangang pagganap bilang Margaret Royales sa hit murder mystery series na Royal Blood.
Nakasama ni Rhian sa nasabing serye sina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, Megan Young, Mikael Daez, Dion Ignacio, Lianne Valentin, at Rabiya Mateo.
Matapos ang iconic na pagganap niya sa Royal Blood, kaabang-abang ang susunod na role na gagampanan ni Rhian sa Sang'gre, ang continuation ng Encantadia Chronicles.
Sa Sang'gre, makikilala si Rhian bilang Mitena, ang isinumpang kakambal ni Cassiopea na lulusob at gugulo sa mundo ng Encantadia.
Congratulations, Rhian Ramos!
BALIKAN ANG ILAN SA INTENSE SCENES NI RHIAN RAMOS SA ROYAL BLOOD DITO: