
Muling nagkita at nagkasama ang Abot-Kamay Na Pangarap stars na sina Richard Yap at Gladys Reyes.
Sa latest post ni Gladys sa Instagram, makikitang kasama niya sa isang larawan ang Sparkle actor na si Richard.
Ang dalawang aktor ay parehas na naimbitahan bilang mga hurado sa "Kalokalike" segment ng It's Showtime.
Mababasa sa post ni Gladys na masaya siyang muli silang nagkita ng kanyang former co-star.
Sulat ng batikang aktres, “Doc RJ and Nushi/Morgana Go in @itsshowtimena. Kalokalike hurados today.”
Kasunod nito, inilarawan niya si Richard, “I always enjoy working with @iamrichardyap. He's just chill and looking fresh all the time.”
'Abot-Kamay Na Pangarap' stars are not just co-actors, they're also best buddies!
Sa hiwalay na post, isang larawan din ang in-upload ni Richard, kung saan makikitang kasama niya si Gladys.
Si Richard ay napanood sa katatapos lang na hit series bilang mabait na doktor na si Doc RJ Tanyag. Siya rin ang dating asawa ng kapatid ni Nushi G (Gladys Reyes) na si Moira (Pinky Amador).
Matatandaang nakilala rin si Gladys sa serye bilang isang Wushu expert.
Bukod kina Richard at Gladys, naging parte rin ng Abot-Kamay Na Pangarap sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Kazel Kinouchi, at marami pang iba.
Napanood ang finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap noong October 19.
Related Gallery: 'Abot-Kamay Na Pangarap,' holds mediacon for upcoming finale