
Ilang araw na lang at mapapanood na ang finale episode ng award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Sa exclusive interviews, ipinaabot ng ilang cast members ang kanilang pasasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa serye.
Kabilang sa mga nagbigay ng pahayag ay ang napakabait na doktor sa APEX na si Doc RJ, ang karakter ni Richard Yap.
Bukod kay Doc RJ, nagpaabot din ng pasasalamat sa viewers ang tunay niyang anak na si Dra. Analyn (Jillian Ward).
“Sa lahat ng sumuporta sa Abot-Kamay Na Pangarap, I would just like to say Thank you for the bottom of my heart,” pahayag ni Richard Yap.
Mensahe naman ni Jillian Ward sa lahat ng tumutok sa kanilang serye, “Thank you so much, I love you guys so much. Sana po nabigyan namin kayo ng kasiyahan. Sana na-inspire namin kayo.”
Sa loob ng mahigit dalawang taon, natunghayan ang ilang sweet at ilang complicated father-daughter moments nina Doc RJ at Dra. Analyn.
Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, happy ending na ba ang naghihintay sa kanilang pamilya?
Huwag palampasin ang mga tagpo sa finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap hanggang Sabado, October 19, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
Related gallery: #AbotKamayNaPangarap: Most memorable father-daughter moments of Doc RJ and Analyn