
Magdadalawang taon na ang nakalipas nang maging isang ganap na Kapuso ang chinito actor na si Richard Yap.
Sa latest episode ng online podcast na “Surprise Guest with Pia Arcangel,” ibinahagi ni Richard kung ano ang pakiramdam niya ngayon bilang isang aktor sa GMA Network.
Pagbabahagi niya, “I feel so at home here, people are so nice. Even the people that I've met before, especially during the GMA Thanksgiving Gala… are also welcoming.”
Kasunod nito, sinagot naman ng Abot Kamay Na Pangarap actor ang tanong ng host na si Pia, kung sino sa napakaraming artista ang gusto niyang makatrabaho.
Sagot ni Richard, “Si Solenn Heussaff, I told her that nung nagkita kami pero sabi ko hindi ka pa pwede… manganganak pa. Ako, I'm willing to work with anyone naman e. It's nice to get to know of everyone and be able to work with them.”
Panoorin ang latest episode ng “Surprise Guest with Pia Arcangel” kasama si Richard Yap DITO:
Huling napanood ang aktor sa GMA drama romance series na I Left My Heart in Sorsogon, bilang si Tonito, ang great love ni Celeste (Heart Evangelista).
Sa darating na September 5, mapapanood na ang pinakabagong serye ni Richard, ito ang inspirational drama series na Abot Kamay Na Pangarap, kung saan makakasama niya ang Kapuso actresses na sina Carmina Villarroel, Jillian Ward at marami pang iba.
Mapapanood siya sa serye bilang si Dr. Robert "RJ" Tanyag, isang kilalang neurosurgeon na nagmula sa pamilya ng mga doktor.
SAMANTALA, KILALANIN ANG BUONG CAST NG ABOT KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: