GMA Logo Richard Yap
Photo by: iamrichardyap (IG)
What's Hot

Richard Yap, handa nga bang tumanggap ng daring na role?

By Aimee Anoc
Published September 1, 2022 4:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school
DepEd probes mauling inside classroom in Bacolod school
Spend Your Weekends with Filipino Blockbusters on GMA Pinoy TV via OSN

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap


Handa rin kaya si Richard Yap sa isang May-December affair na role?

Sa mahigit isang dekada sa showbiz, iba't ibang roles na ang nagampanan ni Kapuso actor Richard Yap. Pero kung aalukin ng isang daring na role sa hinaharap, tatanggapin kaya niya ito?

Sa interview sa "Surprise Guest with Pia Arcangel," isa sa mga tanong na sinagot ng 55-year-old na aktor ay kung handa nga ba siyang tumanggap ng daring na role.

"Parang ang hirap sagutin," natatawang sabi ng aktor. "Depende [kung gaano ka-daring]," dagdag nito.

Ayon kay Richard, ang pinaka-daring na maaari niyang gawin ay "top-off lang siguro."

"Yap" naman ang agad na sinagot ng aktor nang tanungin kung tatanggap ng May-December affair na role.

Sa Lunes, mapapanood na ang pinakabagong serye ni Richard, ang Abot Kamay Na Pangarap, kung saan makakasama niya sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, at Dominic Ochoa.

Sa afternoon series, bibigyang buhay ni Richard ang karakter ni Dr. Roberto "RJ" Tanyag, isang kilalang neurosurgeon na nagmula sa pamilya ng mga doktor.

KILALANIN SI RICHARD YAP DITO: