GMA Logo Richard Yap
Photos by Sparkle GMA Artist Center
What's Hot

Richard Yap spends quality time with fans

By EJ Chua
Published August 4, 2026 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Senators seek to honor Alex Eala for historic WTA title
LIVE - Impeachment Trial of VP Sara Duterte - DAY 12 (Aug. 4, 2026)

Article Inside Page


Showbiz News

Richard Yap


Nakipag-bonding ang Sparkle actor na si Richard Yap sa kaniyang supporters.

May bagong special moment si Richard Yap kasama ang kanyang fans.

Personal na nakita at naka-bonding ni Richard ang kanyang supporters sa isang fanmeet event na ginanap nitong nakaraang weekend sa Pasig.

Isa sa highlights nito ay ang sweet na sweet na pagharana ng Sparkle actor sa mga dumalo sa event.

Game rin siyang nakipagkamustahan at nakipagkwentuhan sa fans.

Ayon kay Richard, ang special event ay isang paraan ng pag-giveback niya sa suportang natatanggap niya sa kanila na talaga namang napakahalaga para sa kanya.

A post shared by Sparkle GMA Artist Center (@sparklegmaartistcenter)

Courtesy: GMA Public Affairs, Unang Hirit

Samantala, ngayong naka-break sa acting career ang Kapuso star, naka-focus muna siya sa pagnenegosyo at paglalaro ng golf.

Abala rin siya sa pag-aalaga sa kanyang pamilya at pati na rin sa kanyang sarili para mapanatili ang kanyang fit at healthy body.

Related gallery: Father-daughter moments nina Richard Yap at Ashley Sandrine

Matatandaang marami ang talaga namang sumubaybay kay Richard sa hit GMA medical-drama series na 'Abot-Kamay Na Pangarap.'

Napanood at nakilala siya rito bilang si Doc RJ Tanyag, ang ama ni Doc Analyn na ginampanan naman ng Sparkle star na si Jillian Ward.