GMA Logo Rico Blanco on love
Source: ricoblanco100/IG
Celebrity Life

Rico Blanco, marami pang kailangan matutunan tungkol sa pag-ibig?

By Kristian Eric Javier
Published May 22, 2026 11:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Lily On Playlist
EXPLAINER: What are tracker teams?
'Emily in Paris' final season begins production in Greece

Article Inside Page


Showbiz News

Rico Blanco on love


Sa kabila ng sakit na naranasan sa pag-ibig, maganda pa rin ba ang pananaw ni Rico Blanco tungkol dito?

Aminado ang OPM legend na si Rico Blanco na single siya ngayon, pero hindi ibig sabihin umano nito na hindi na siya bukas pumasok muli sa isang relasyon. Sa katunayan, sabi niya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, May 22, bukas pa rin siya sa pagpapakasal balang-araw.

“But I suppose, it still has to be with the right person 'cause I'm at the age where I don't have to get married. I understand, for some people, they have to get married. Right now, I don't have to get married so if I will get married, it has to be with the right person,” sabi ni Rico.

Sa kabila ng past relationships niya at mga karanasan sa pag-ibig, aminado rin si Rico na marami na siyang nalalaman tungkol dito. Pero pakiramdam niya at marami pa siyang matututunan.

“Feeling ko, marami na, pero feeling ko, marami pa akong matututunan especially itong mga past couple of years medyo nagtatanong-tanong pa rin ako, up to now,” sabi ng Project Baby actor.

BALIKAN ANG RUMORED AT PAST RELATIONSHIPS NI RICO SA GALLERY NA ITO:

Nang tanungin siya ni King of Talk Boy Abunda kung ano nagbago sa pananaw niya tungkol sa pag-ibig, sabi ni Rico, “I thought before na if you find someone who you really love and they really love you too, that was enough.”

Nalaman daw niya na hindi lang pala iyon ang kailangan. Ani Rico, malaking factor din sa tagumpay ng relasyon kung nasaan na sila sa kani-kanilang mga buhay. Importante rin na pareho sila ng timeline ng mga pangyayari, at kanilang mga edad.

“Medyo siguro naive ako dati, hindi ko alam, ganu'n ba dapat? That's what I'm trying to find out. Baka napunta rin ako sa masyadong opposite end na hindi lang 'yun lahat, that I need to relax that observation also,” sabi ni Rico.

Sa kabila ng sakit na naranasan niya sa pag-ibig, naniniwala ang OPM icon na pagdating sa pag-ibig, kailangan ibigay pa rin ang lahat para walang pagsisisi sa huli.

Pero pag-amin din ni Rico, “It's just a little harder to be ready again.”

Panoorin ang panayam kay Rico Blanco dito: