
Isang touching dramatic performance ang hatid ng aktres na si Rikki Mae Davao sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Viral Yaya: The Nolyn Galang Story."
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Nolyn, isang Pinay na namasukan bilang yaya para sa isang pamilyang dayuhan.
Mabait ang mga employer ni Nolyn at napamahal na rin siya sa mga alaga niya.
Pero tumatanda na ang mga magulang ni Nolyn at kailangan din ng mga ito ang aruga niya.
Maaalagaan pa ba ni Nolyn ang kanyang mga magulang o mas pipiliin niya ang magandang trabaho sa ibang bansa para patuloy na matugunan ang mga pangangailangan ng mga ito?
Makakasama ni Rikki Mae Davao sa episode sina Jackie Lou Blanco, Kazel Kinouchi, Soliman Cruz, Kuya Kurt, at Lyra Micolob.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Viral Yaya: The Nolyn Galang Story," February 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.