GMA Logo Rikki Mae Davao in Widows War
What's on TV

Rikki Mae Davao, napapanood sa 'Widows' War'

By EJ Chua
Published September 8, 2024 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD warns vs fake online surveys promising rewards from DSWD
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News

Rikki Mae Davao in Widows War


Co-stars ang mag-inang Jackie Lou Blanco at Rikki Mae sa murder mystery drama na 'Widows' War.'

Parehas na napapanood sa Widows' War ang mag-inang Jackie Lou Blanco at Rikki Mae Davao.

Si Jackie Lou ay kilala rito bilang si Ruth Balay, ang ina ni George (Carla Abellana).

Napapanood naman si Rikki Mae sa serye bilang si Rochelle a.k.a. Rico, ang bagong driver ng mga Palacios.

Sa recent episodes ng 2024 murder mystery drama, ipinalabas na ang ilang eksena ni Rikki Mae.

Isa na rito ang makulit na pakikipag-usap ng kanyang karakter kay Cairo, ang role ni Kiel Rodriguez sa serye.

Samantala, sa ilang posts sa social media, mapapansin na sobrang close si Rikki sa kanyang mommy na si Jackie Lou.

RELATED CONTENT: Jackie Lou Blanco is a proud mom to her child Rikki who is a member of LGBTQ+ Community

Makikita sa ilang larawan na nasa Instagram account ng mag-ina ang kanilang bonding moments.

Si Rikki Mae ay pangalawang anak ni Jackie Lou sa kanyang dating partner, aktor, at filmmaker na si Ricky Davao.

Patuloy na subaybayan ang karakter ni Rikki Mae sa Widows' War. Abangan ang susunod pang mga tagpo sa hit murder mystery drama, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.