GMA Logo Rio Locsin
source: FastTalkGMA/FB
What's on TV

Rio Locsin, masayang nakatrabaho ang mga batikang direktor na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal

By Kristian Eric Javier
Published April 29, 2026 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Alex Eala praised for Filipiniana look at Laureus Awards, described as 'Princess of the Philippines'
A free-roaming animatronic Olaf is coming to Hong Kong Disneyland
Persons of interest identified in pawnshop robbery in Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Rio Locsin


Magkaibang direktor man, may pagkakapareho pa rin sina Lino Brocka at Ishmael Bernal ayon kay Rio Locsin.

Malaki ang pasasalamat ng beteranang aktres at The Master Cutter star na si Rio Locsin na sa buong karera niya ay nakatrabaho niya ang ilan sa mga batikang direktor, kabilang na sina Lino Brocka at Ishmael Bernal.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes (April 28), inamin ni Rio na hindi naman talaga niya gustong mag-artista. Sa katunayan, pinilit lang siya ng kaniyang ina na pasukin ang show business.

Ngunit ayon kay Rio, thankful na rin siyang makapasok sa entertainment industry dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang ilan sa magagaling na direktor ng industriya.

“Talagang seryoso na ako kasi nabigyan naman ako ng pagkakataon na makatrabaho ang magagaling na direktor. Bakit ko hahayaan na mawala 'yun o sayangin ang mga pagkakataon na 'yun? Kaya talagang pinag-aralan ko naman,” sabi ng aktres.

Nang ikumpara ni Rio ang istilo ng dalawang direktor, sinabi niyang wala naman masyadong pinagkaiba sina Lino at Ishmael.

“Pareho nilang inaarte, pinapagawa sa 'yo. Parang 'yung sa Salawahan, kung apat kami sa eksena, isa-isa gagawin ni Direk Ishma 'yun. Pati delivery mo, 'Gusto ko mabilis, walang gap pag nagde-deliver ng lines.' Si Direk Lino naman, intense kasi mas sexy, mas drama. Ipinakikita niya,” sabi ni Rio.

Aminado naman si Rio na kinakabahan siya sa parehong direktor. Sa katunayan, kapag sinabing bawal ngumiti, wala umanong ngumingiti sa set.

“Pero sila, talaga, para silang mga switch ng ilaw, sina Direk Lino. 'Pag in-between, 'yung walang take, tawanan nang tawanan. Pero 'pag sinabing magte-take na tayo, walang ngumingiti. Ay, hindi rin ako ngingiti,” sabi ng aktres.

Samantala, para kay Rio, isang bagay na nakatulong sa kanila noon para maging magagaling na aktres ay ang disiplina nila sa trabaho. Sabi ng aktres, talagang inaaral nila nag bawat dialogue at character nila para maging handa sa mga eksena.

“At saka 'yung tulong ng direktor, sinasabi nila kung ano'ng gusto. Siyempre kung hindi sila masisiyahan sa ginagawa mo, ipapaulit sa 'yo. Pero nakikinig talaga ako,” sabi ni Rio.

KILALANIN ANG MGA ARTISTANG MINSAN NA RIN NAUPO SA DIRECTOR'S CHAIR SA GALLERY NA ITO: