GMA Logo Rio Locsin
Source: msriolocsin (IG)
Celebrity Life

Rio Locsin, pinayuhan ang mga anak na huwag pasukin ang showbiz

By Kristian Eric Javier
Published April 29, 2026 11:44 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Dagupan readies Bangusan street party for Bangus Festival
Lalaki, naaktuhang nagnanakaw sa isang bahay sa QC; suspek, ex-BF ng anak ng may-ari ng bahay
Cheska Fausto cooks for us her family recipe for 'Dinguan con Gata'! | Farm to Table

Article Inside Page


Showbiz News

Rio Locsin


Ayaw ni Rio Locsin na pasukin ng mga anak niya ang showbiz industry. Alamin dito kung bakit.

Isa si The Master Cutter star Rio Locsin sa mga pinakahinahangaang aktres magmula noong '80s hanggang ngayon. Kaya naman, hindi na kataka-taka kung maging ang mga anak niyang sina Paula, Jabba, at Joses ay magpakita ng interes na pumasok sa showbiz.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Martes, April 28, inamin ni Rio na gusto naman talaga nila maging aktres. Ngunit diniscourage umano ng aktres ang kaniyang mga anak.

“Kasi ako, hindi ako nakatapos ng college, hanggang high school lang ako. Gusto ko 'yung mga anak ko, 'pag meron silang natapos, magiging proud sila sa na-accomplish nila, achievement nila. Malaking bagay 'yun na may pinag-aralan ka, e,” sabi ni Rio.

Pagpapatuloy pa ng aktres, alam niyang masyadong mag-e-enjoy ang kaniyang mga anak kapag nag-artista na sila, lalo na at kikita na sila ng sariling pera. Ang takot ng aktres, baka hindi na bumalik sa pag-aaral ang mga anak oras na makatikim ng kita.

“Kahit pa sabihin na 'Hindi, babalik kami,' hindi n'yo na babalikan ' yan. Masarap kumita ng pera, e. Masarap gumastos sa sarili mong pera,” sabi ni Rio.

Payag naman sana si Rio na pumasok sila ng showbiz kapag natapos na sila sa kanilang mga pag-aaral. Ngunit ayon sa aktres, dahil may edad na ang mga anak, iba na ang mga gusto nilang gawin at hindi na pag-aartista.

Samantala, aminado si Rio na nagulat siya nang makita ang dating asawa na si Al Tantay sa set ng The Master Cutter kamakailan lang. Ngunit aniya, ito ay dahil hindi lang nasabi sa kaniya na naroon ang actor-director at sa katunayan, bumati naman siya rito.

Nang tanungin naman siya ni King of Talk Boy Abunda kung magkaibigan sila ng dating asawa, ang sabi ni Rio, “Hindi kami nag-uusap na nagtatawagan, nagte-text, pero when we see each other, nagbabatian.”

KILALANIN ANG CELEBRITY KIDS NA PARTE NA RIN NG SHOWBIZ NGAYON SA GALLERY NA ITO: