GMA Logo Rita Avila
Source: msritaavila/IG
What's Hot

Rita Avila, ipinagtanggol ang mga naulilang anak ng namayapang si Jaclyn Jose

By Kristian Eric Javier
Published March 9, 2024 7:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

8 Filipinos who brought glory to the Philippines in 2025
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Avila


Ayon kay Rita Avila, hindi dapat sisihin ang mga anak ni Jaclyn Jose sa pagpanaw nito.

Ipinagtanggol ng Lilet Matias: Attorney-at-Law actress na si Rita Avila ang mga anak ng kumare niya, ang namayapang si Jaclyn Jose, na sina Andi Eigenmann at Gwen Guck mula sa mga pambabatikos na natanggap ng magkapatid mula sa mga netizens.

Nakatanggap kasi ng paninisi ang magkapatid mula sa netizens dahil sa ginawa nilang pag-iwan sa kanilang ina. Tila nasisisi pa sila dahil kung kasama lang daw sana sila ng kanilang ina nang atakihin ito sa puso ay baka nadala pa sa ospital ang namayapang aktres at nailigtas pa ang buhay nito.

“Tulad ngayon, ang daming kuro-kuro. 'Sana kasi ganito ang ginawa.' 'Dapat kasi ganyan ang ginawa.' 'Bakit naman kasi ginanun,'” caption ni Rita sa kaniyang post sa Instagram.

Pagpapatuloy niya, “Kasama ka ba nila sa bahay mula ng isinilang ang mga anak ni Jaclyn Jose? Naranasan mo bang pumasok sa isip at katawan nila kaya alam mo ang tinahak ng bawat isa sa kanila? Nasa lugar ka ba para kwestyonin at ipa-guilty pa ang mga naiwan?”

Nagbigay rin ng paalala ang batikang aktres na “I-rest in peace na muna po ang isip at bibig” kung wala namang masasabing maganda at mabuting maidudulot ang sasabihin sa mga naiwan ng batikang aktres.

TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA NAGLULUKSA NGAYON SA PAGPANAW NI JACLYN JOSE SA GALLERY NA ITO:

Hiniling din ni Rita na maghinay-hinay lang sana ang mga netizens sa kanilang mga sinasabi dahil masyadong masakit ang nangyari kina Andi at Gwen.

“Hindi lahat ng nababasa o nakikita n'yo ay totoo. Marami ang nasisilaw. Marami ang makakapal. Parang totoo pero hindi,” sabi niya.

Sinabi rin ni Rita na isa sa mga wishful thinking niya para sa kumare ay ang magkaroon din siya ng isang Kate, ang anak-anakan niya, dahil alam umano nito kung gaano kahirap ang mag-isa lang sa bahay. Ngunit nilinaw niyang hindi niya kinuwestyon ang sitwasyon ni Jaclyn.

“Walang kinalaman 'yun sa mga anak niya. I trust her and her children for all their decisions,” sabi niya.

Tingnan ang post ni Rita Avila dito:

A post shared by Rita Avila (@msritaavila)