
Throwback feels ang hatid ng post ni seasoned actress Rita Avila kasama ang seasoned actors na sina Tonton Gutierrez at Lito Pimentel.
Noong Miyerkules (May 17), napa-throwback si Rita sa mga ibinahaging larawan kasama sina Tonton at Lito, na ngayon ay kapwa katrabaho niya sa figure skating series na Hearts On Ice.
Kuwento ni Rita sa unang larawan kasama si Tonton, "Mukha akong bubuwit sa tabi ni Tonton [Gutierrez] noong 1987 o 1986 ba ito? Kakasimula ko lang ng first movie ko sa RVQ [Productions] with Eric Quizon. Dumalaw si Tonton [kay] Eric sa shooting namin n'yan."
Sa ibabang larawan, kasama naman ni Rita si Lito kung saan, aniya, kuha ito sa isa nilang soap noong 2017. Sulat niya, "Mukha na akong tao [riyan]. Mababait sila at kasama ko ulit ngayon sa 'Hearts On Ice' ng GMA."
Sa Hearts On Ice, gumaganap na magkapatid sina Rita at Tonton bilang Yvanna at Gerald, habang si Lito, na gumaganap na Ruben, ay asawa naman ng kanyang karibal na si Libay (Amy Austria).
Kasama rin ni Rita sa serye sina Ashley Ortega, Xian Lim, Ina Feleo, Cheska Iñigo, Kim Perez, Roxie Smith, at Skye Chua.
Patuloy na subaybayan si Rita sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.
TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: