GMA Logo Roxie Smith and Rita Avila
What's on TV

Roxie Smith, naaapektuhan nga ba ng mabibigat na scenes nila ni Rita Avila sa 'Hearts On Ice'?

By Aimee Anoc
Published May 16, 2023 2:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Roxie Smith and Rita Avila


Gumaganap sina Roxie Smith at Rita Avila bilang ang mag-inang Monique at Yvanna sa 'Hearts On Ice.'

Sa naganap na TikTok Live ng cast ng Hearts On Ice, sinagot ni Roxie Smith kung naaapektuhan nga ba siya mentally nang mabibigat na scenes nila ng seasoned actress na si Rita Avila sa Hearts On Ice.

Sa serye, gumaganap sina Roxie at Rita bilang ang mag-inang Monique at Yvanna. Handang gawin ni Yvanna ang lahat maging kampeon lamang ang anak sa figure skating. Dahil sa pagiging highly competitive, kung minsan ay napagbubuhatan niya ng kamay si Monique sa tuwing nabibigo siya nito.

Unang eksena pa lamang ni Roxie sa Hearts On Ice ay agad na siyang nagkaroon ng sampalan scene kay Rita. Ito ay matapos na hindi makapasok si Monique sa U.S. skating team.

Ayon kay Roxie, siya mismo ang nagsabi sa seasoned actress na okay lamang sa kanya na totohanin ang sampal kung para naman sa ikagaganda ng eksena.

"You know naman in acting sometimes dinaraya kaunti pero I talked to Ms. Rita. Sabi ko, 'Ms. Rita it's okay po if you feel like slapping me, go lang po. Continue lang if ikagaganda ng eksena.' Sabi ko nga sa kanya, 'Isang karangalan kapag nasampal mo po ako,' kuwento ng aktres.

Dagdag niya, "And then when she did nadala talaga ako, naiyak talaga ako. Ikaw ba naman sinampal back and forth. It was an important scene for me kasi iyon 'yung first ever na labas ko so super grateful ako kay Ms. Rita na she's there to guide me and willing siya na sampalin ako.

"It's more of like, kapag nakauwi na ako sa bahay hindi ko naman siya nadadala... kinaya naman, masaya naman."

Sa nakaraan interview, ibinahagi rin ni Rita ang ginagawa niya kapag may sampalan scenes sila ni Roxie sa Hearts On Ice.

"Yung eksena namin ni Monique, marami ang naawa 'di ba noong pinagsasampal ko siya. Since Roxie is a pro, hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko para raw maramdaman niya.

"Kasi minsan talaga kapag fake ang hirap mag-react e' ng totoo, so it helps kung totoo. Pero mayroon ding instances na kung kakayanin naman talagang may medyo kaunting daya, gagawin din naman kasi ang hirap baka naman mabugbog na 'yung mukha ng bata," sabi ng seasoned actress.

Patuloy na subaybayan sina Rita at Roxie sa Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG FIGURE SKATING EXHIBITION NINA ASHLEY ORTEGA AT SKYE CHUA SA MEDIA CONFERENCE NG HEARTS ON ICE DITO: