GMA Logo Rita Avila and Roxie Smith
What's on TV

Rita Avila sa sampalan scene nila ni Roxie Smith sa 'Hearts On Ice': 'Hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko'

By Aimee Anoc
Published April 25, 2023 6:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Avila and Roxie Smith


Gumaganap sina Rita Avila at Roxie Smith bilang ang mag-inang Yvanna at Monique sa 'Hearts On Ice.'

Isa si Yvanna, na ginagampanan ng seasoned actress na si Rita Avila, sa pinaka kinaiinisang karakter sa figure skating series na Hearts On Ice.

Si Yvanna ang hostile mom ni Monique (Roxie Smith) kung saan handa niyang gawin ang lahat para maging kampeon ang anak.

Dahil sa pagiging highly competitive, kung minsan ay napagbubuhatan ng kamay ni Yvanna ang anak sa tuwing nabibigo siya nito.

Sa isang press interview, ikinuwento ni Rita kung paano ang ginagawa niya kapag may sampalan scenes sila ni Roxie sa Hearts On Ice.

"Yung eksena namin ni Monique, marami ang naawa 'di ba noong pinagsasampal ko siya. Since Roxie is a pro, hiniling niya talaga sa akin na totohanin ko para raw maramdaman niya," kuwento ng aktres.

Dagdag niya, "Kasi minsan talaga kapag fake ang hirap mag-react e' ng totoo, so it helps kung totoo. Pero mayroon ding instances na kung kakayanin naman talagang may medyo kaunting daya, gagawin din naman kasi ang hirap baka naman mabugbog na 'yung mukha ng bata."

Ibinahagi rin ni Rita ang mga dapat pang abangan sa kanya sa serye. "Mas marami kaming away ni Amy Austria," natatawang kuwento ng aktres.

"Feeling ko naman mag-e-enjoy 'yung manonood kasi siyempre may Team Libay 'di ba pero walang Team Yvanna."

Subaybayan ang Hearts On Ice Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

MAS KILALANIN SI ROXIE SMITH SA GALLERY NA ITO: