GMA Logo Rita Daniela
What's on TV

Rita Daniela, game sumalang sa 'EXpecially For You'?

By Kristine Kang
Published June 2, 2024 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Jordan tells court he 'wasn't afraid' of NASCAR
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela


Maraming netizens ang nagulat at natuwa sa pagpayag ni Rita Daniela nang tanungin ni Vice Ganda kung gusto nitong maging searcher sa segment na 'EXpecially For You'.

Maraming mga Kapuso star ang nagpakilig ng madlang people sa pamamagitan ng pagkanta nila sa noontime program na It's Showtime.

Sa patok nitong segment na "EXpecially For You," pinag-usapan ng netizens ang performances ng Kapuso guest singers tulad nina Garrett Bolden, Hannah Precillas, Anthony Rosaldo, at marami pang iba.

Ngunit noong June 1, maraming natuwa sa Kapuso star na si Rita Daniela, hindi lamang sa kaniyang pag-awit kundi pati na rin sa banter nila ng mga host ng programa. Isa sa mga pinag-usapan ng madlang Kapuso ay ang pagtanggap ni Rita sa alok na sumali sa "EXpecially For You" bilang isang searcher.

Nang tanungin kung single ba siya, pabirong sinagot ni Rita, "Yes. Ay, sinagot."

Narinig ito kaagad ni Vice Ganda, kaya sinundan ng Unkabogable Star ng, "Pero kanta ka nang kanta rito mamalat ka, umupo ka na lang doon one of these days. I-uupo kita doon, ah."

"'Yung singing voice laging ginagamit, baka ma-irritate. Speaking voice , chikahan tayo one of these days, ah," dagdag din ni Vice.

Maraming nagulat at natuwa sa pagpayag agad ni Rita. Kaya naman nagbiro ang mga host na mayroon na silang susunod na guest sa segment.

"Hanapin mo na rin mga kaibigan mong malulungkot ngayon, ah. Gumawa tayo ng chat group," pabirong sinabi ni Vice.

Bukod dito, pinuri rin ni Karylle ang Kapuso guest singer sa kaniyang husay sa pag-awit sa segment.

"Bata pa lang kasi, talagang napakahusay na niya," sabi ni Karylle.

Subaybayan ang It's Showtime Lunes hanggang Sabado sa oras na 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

TINGNAN SA IBABA ANG IBANG KAPUSO STARS NA BUMISITA AT NAKISAYA SA 'IT'S SHOWTIME'