
Isa si Rita Daniela sa mga celebrity na umaming nakakaranas ng depression ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.
Ayon sa panayam ng 24 Oras sa aktres noong Mayo, workaholic siya kaya labis siyang nanibago matapos matigil ang kanyang trabaho noong nagsimula ang lockdown.
“Parang nakakalungkot siya na pakiramdam, parang wala na tayong worth, useless na,” saad ni Rita.
Ayon pa sa Kapuso star, normal namang makaramdam ng depression sa panahon ngayon at alam niya na hindi lang siya ang nakakaranas nito.
Marahil ay marami ang binabalewala ang kanilang mental health pero payo ni Rita sa mga nakakaranas ng depression, huwag mahiyang kumonsulta sa isang medical professional para matulungan sila sa kanilang pinagdaraananan dahil hindi ito biro.
Bahagi niya sa panayam ng GMANetwork.com kamakailan, "Mental health is more important than your fear, than your love life.
"Once you feel na you're not feeling okay, gusto kong sabihin na hindi dapat natatakot, seek mental help kasi buhay mo 'yun, e.
"'Yung time na sasalba mo 'yung sarili mo do'n sa emosyon na akala mo okay lang pero hindi ka talaga okay, hindi mo 'yun mababawi."
Paglilinaw pa ni Rita, "There's nothing wrong with seeking professional help.
"Hindi ibig sabihin no'n ay baliw ka na, hindi ibig sabihin no'n, iba ka or weird ka kumpara sa mga normal na tao.
"Kasi 'yung pinagdaanan natin na depression, 'yung mga anxiety, lahat ng tao nakaka-experiene no'n.
"Don't feel na nag-iisa ka, don't feel na ikaw lang 'yung nakakaramdam no'n kasi maraming tao ang nakaka-aexperience no'n everyday."
Samantala, timely naman ang bagong serye ni Rita na Ang Dalawang Ikaw dahil may kinalaman ito sa mental health na malaking issue ngayon.
Gaganap siya bilang Mia, asawa ni Nelson na bibigyang-buhay naman ni Ken Chan.
Sa serye, na-diagnose si Nelson ng dissociative identity disorder--isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.
Kaya magkakaroon si Mia ng kaagaw sa mister dahil sa alter personality nito.
Driven, extrovert, at strong ang personality ni Mia kaya ipaglalaban niya kung ano ang tama lalo na pagdating sa pag-ibig.
Ang Dalawang Ikaw ang ikatlong pagtatambal nina Rita at Ken sa telebisyon matapos ang My Special Tatay at One of the Baes.
Bibida rin sila sa upcoming romcom film na My First and Always na idinerehe ni Louie Ignacio.
Sa kasalukuyan, napapanood sina Rita at Ken bilang journey hosts ng The Clash Season 3
Samantala, narito ang iba pang celebrity na umaming nakaranas ng depression, anxiety, at iba pang mental health issues.