
New Year's resolution ni Rita Daniela na mas marami pang matulungan ngayong 2021 matapos makita ang paghihirap ng mga kababayan niyang kapos sa buhay nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Ayon sa panayam ng GMANetwork.com kay Rita, "I believe that God blesses us with so much so we can help other people. 'Yun lang din naman 'yung goal din kasi 2020 is a hard year for all of us so talagang tulungan."
Enengganyo pa ni Rita ang ibang nakaaangat sa buhay na tumulong din sa kanilang kapwa
Aniya, "Kung sinuman ang may sobra, ano ba naman 'yung mag-share kahit konti lang, 'di ba, para naman kahit papaano gumaan 'yung buhay ng ibang tao."
Ang pagtulong ni Rita ay paraan niya para ibahagi ang kanyang blessings sa iba.
Matatandaang simula noong bumida siya sa hit GMA afternoon series na My Special Tatay noong 2018 ay patuloy ang pamamayagpag ng career ni Rita.
Mula noon, sunud-sunod ang naging proyekto ni Rita kabilang diyan ang One of the Baes, kung saan bumida sila ng kanyang love team na si Ken Chan; at The Clash, kung saan nagsilbi silang journey hosts.
May upcoming movie rin sila ni Ken na pinamagatang My First and Always.
Sa ngayon, naghahanda na rin si Rta para sa unang pagtatambal nila ni Ken ngayong 2021, ang bagong GMA drama seryeng Ang Dalawang Ikaw.
Nang tanungin namin si Rita kung ano ang goal niya ngayong taon, hindi na siya nag-isip nang kahit anong bagay dahil simpleng layunin niya lang ay maitawid nang matiwasay ang Ang Dalawang Ikaw sa gitna ng pandemya.
Ani Rita, "Sana dumating po kami sa location namin at uuwi po kami sa bahay namin nang buong-buo at healthy lahat."
Kasalukuyang isinasagawa ang unang cycle ng lock-in taping ng Ang Dalawang Ikaw na tatagal nang ilang linggo.
Bukod kina Rita at Ken, tampok din sa upcoming series sina Jake Vargas, Dominic Rocco, Anna Vicente, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, at Jeremy Sabido.
Ang Ang Dalawang Ikaw ang ikatlong pagtatambal nina Rita at Ken sa telebisyon. Gaganap sila rito bilang mag-asawa.
Iikot ang kwento ng serye kay Nelson (Ken), isang lalaking may dissociative identity disorder--mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang pasyente.
Magkakaroon ng kaagaw si Mia (Rita) sa mister dahil sa alter personality nito.
Ipalalabas ang Ang Dalawang Ikaw sa GMA-7 soon.
Tingnan ang ilang pang nakakikilig na pagsasama nina Rita at Ken sa gallery na ito: