
Muling pinarangalan ang Kapuso star na si Rita Daniela sa International Film Festival Manhattan para sa 2022 edition nito.
Matapos makatanggap ng special citation mula sa New York-based film fest noong nakaraang taon, nakamit niya ang The Jury Prize para sa kanyang mahusay na pagganap sa romantic-comedy film na Huling Ulan sa Tag-Araw sa awards ceremony ng International Film Festival Manhattan 2022 noong October 13 na ginanap sa Kalayaan Hall Philippine Center sa New York, USA.
Nangunguna naman sa pagbati kay Rita ang management niyang Sparkle para sa panibagong achievement ng ngayo'y mom-to-be.
"With her latest international award and a baby on the way, it seems like blessings are really pouring in for our girl! Congratulations, Rita," sulat sa caption.
Ang Huling Ulan sa Tag-Araw ay idinerehe ni Louie Ignacio. Kabilang ito sa walong feature film entries sa Metro Manila Film Festival 2021.
Debut film ito ni Rita at ng dating onscreen partner niyang si Ken Chan matapos ang kanilang tatlong taon pagtatambal sa telebisyon.
Sa pelikula, lumabas si Ken bilang Luis, isang seminarista na malapit na mag-pari, samantalang si Rita ay lumabas bilang Luisa, isang bar singer.
SAMANTALA, BALIKAN DITO ANG TRANSFORMATION NI RITA DANIELA FROM KIDDIE POP STAR TO BREAKTHROUGH ACTRESS: