GMA Logo Rita Gaviola aka Badjao Girl
What's Hot

Rita Gaviola a.k.a Badjao Girl is now a mom

By EJ Chua
Published August 9, 2022 6:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Gaviola aka Badjao Girl


Congratulations, Rita Gaviola!

Nito lamang Abril, ibinida ni "Badjao Girl" Rita Gaviola ang kaniyang fierce looks sa social media, kung saan makikitang isa na siyang ganap na dalaga.

Ilang buwan matapos nito, muling ginulat ni Rita ang netizens ang kaniyang fans sa mga bagong larawan na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Makikita sa mga larawan na mayroon siyang kalong-kalong na sanggol na nagpapatunay na isa na siyang ina.

Sa isa pang post, makikita naman na katabi niya sa larawan ang kaniyang non-showbiz boyfriend na ama ng kaniyang anak.

Ayon sa caption ni Rita, “Mahal ko kayo.”

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

A post shared by Rita Gaviola (@itsritagaviola)

Noong 2021, ikinuwento niya sa kaniyang Unang Hirit guesting ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay simula nang sumikat siya dahil sa isang nag-viral na larawan noong 2016.

Aniya, “Ang nabago po sa buhay ko, una 'yung pamamalimos. Sobrang nabago 'yun kasi kung dati nakikita nila ko sa kalsada, namamalimos na may buhat na bata, palaboy-laboy ganyan madumi. Pero ngayon sobrang nabago, sobrang proud ako. Ngayon, nakikita nila ko sa TV. Kahit ako sa sarili ko hindi ako makapaniwala na ako ba talaga to? Parang may isang himala.”

Bukod pa rito, una nang ikinuwento ni Rita na mayroon siyang plano na sumali sa Miss Universe noon.

SAMANTALA, TINGNAN ANG GLOW-UP TRANSFORMATION NG TINAGURIANG BADJAO GIRL NA SI RITA GAVIOLA SA GALLERY SA IBABA: