What's on TV

Rita Daniela, dream come true ang makatrabaho sina Nonie at Shamaine Buencamino

By Dianara Alegre
Published August 14, 2020 12:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

US judge lets more Epstein grand jury materials be made public
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela Nonie Buencamino at Shamaine Buencamino in Magpakailanman


Tampok sa bagong episode ng 'Magpakailanman' ang Filipino family sa America na tinamaan ng COVID-19. Gaganap dito si Rita Daniela at ang mag- asawang Nonie at Shamaine Buencamino.

Back to work na sa field si Kapuso actress Rita Daniela para sa bagong episode ng Magpakailanman kung saan gaganap siya bilang isang nurse na nagpositibo sa COVID-19.

Rita Daniela

Mabibigat na eksena at matinding iyakan ang handog sa naturang episode kung saan tampok ang real life story ng isang Filipino family sa America. Bawat miyembro sa pamilya ay nurse mula ina hanggang sa apat na anak na babae.

Kasama ni Rita na gaganap sa dramatization ang mag-asawang sina Nonie at Shamaine Buencamino.

Iikot ang istorya sa pagkahawa sa COVID-19 ng mga karakter nina Shamaine, Nonie at Rita.

Sa panayam ng 24 Oras kay Rita, ibinahagi niyang mabigat ang pinagdaanan ng karakter niya habang nakikipaglaban sa sakit.

“May moment na feeling niya pinagtutulungan siya ng mga kapatid niya na bakit niya pinabayaan, bakit niya hinayaan na mahawa 'yung tanay niya du'n sa nanay niya na nurse ka pa man din,” ani Rita.

Samantala, dahil sa husay nina Nonie at Shamaine ay hindi lang naiwasan ni Rita na panoorin ang eksena nila.

“Ang sarap kasi talaga nilang panoorin, sobra. So, ang ginawa ko, nanood lang ako. Tapos sinabi sa akin ng AD na pumasok ka na,” aniya at kwento pa ng aktres, “Pumasok ako na may mask.”

Shamaine Buencamino

Nonie Buencamino

Mapapanood ang “Walang Iwanan: The Layug Family Story” sa Sabado, August 15, 8:00 p.m. sa '#MPK.'