GMA Logo Rita Daniela on MPK
What's on TV

Rita Daniela, gaganap bilang COVID-19 positive nurse sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published August 12, 2020 5:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela on MPK


Gaganap bilang isang nurse na tinamaan ng COVID-19 si Rita Daniela sa upcoming fresh episode ng '#MPK.'

Isa si Kapuso actress and singer Rita Daniela sa mga magbibigay buhay sa isang kuwentong napapanahon ngayong may COVID-19 pandemic.

Tampok kasi siya bilang isang frontliner sa upcoming fresh episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado.

Gaganap si Rita bilang nurse na si Lea na magpopositibo sa COVID-19.

Bukod sa kanya, tatamaan din ng sakit ang kanyang buong pamilya na lahat ay nagtatrabaho bilang mga nurse.

"Sa kabila ng pagiging positive sa COVID-19 ng kanilang pamilya, dito po natin makikita kung paano po naging huwarang anak ang karakter na ginamapanang kong si Lea, para maalagaan pa rin ang kanyang mga magulang at mga kapatid," pahayag ni Rita.


Bukod kay Rita, bahagi din ng episode ang mag-asawa at kapwa award-winning actors na sina Nonie at Shamaine Buencamino.



Sila ang gaganap sa mga magulang ni Lea na sina Rainier at Remy.

Ang "Walang Iwanan: The Layug Family Story" ang special episode na pagpupugay ng #MPK sa mga frontliners at pati na sa mga pamilyang Pilipino sa buong mundo.

Tunghayan ito ngayong Sabado, August 15, 8:00 pm sa '#MPK.'