GMA Logo Robb Guinto, Azi Acosta sexy star misconception
Source: rblyngnt/IG
What's on TV

Robb Guinto, Azi Acosta pinabulaanan ang misconceptions sa mga sexy star

By Kristian Eric Javier
Published October 3, 2024 9:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Robb Guinto, Azi Acosta sexy star misconception


Alamin ang mga komento nina Robb Guinto at Azi Acosta sa misconceptions ng mga tao tungkol sa katulad nilang sexy stars.

Hindi maitatanggi na marami nang naging misconceptions ang mga tao pagdating sa sexy stars dahil sa kanilang trabaho. Kaya naman, pinabulaanan nina Vivamax actress Robb Guinto at Azi Acosta ang ilan sa mga ito.

Sa panayam nila sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 3, ay nilinaw nina Robb at Azi na hindi totoo ang tingin ng mga tao na malandi ang sexy stars sa totoong buhay.

Sabi ni Robb, “Hindi naman po totoo 'yan. Hindi naman po porke't naghuhubad po kami is 'yun na agad 'yung tingin sa amin ng tao.”

Pag-amin pa ni Azi, marami nga ang nag-aakala na dahil naghuhubad sila sa kanilang mga pelikula ay ganoon na rin sila sa totoong buhay.

Inamin rin nina Robb at Azi na sa umpisa ay hindi rin naging madali sa kanila ang maghubad para sa pelikiula, lalo na't ayon kay Robb ay tila wala na silang tinatago.

Pag-alala ni Azi Acosta sa una niyang pelikula, “Actually nga po nu'ng una ko, sabi ni direk, parang gusto ko daw matapos agad. Halata pala 'yun sa camera. Kasi first time ko 'yun magpapakita ng katawan.”

Pinabulaanan din nina Robb at Azi na ganda lang meron ang sexy stars. Sabi pa ni Azi, hindi naman sila makakarating sa kinaroronan nila ngayon kung ganda lang talaga ang meron sila.

“Hindi pwedeng ganda lang, kailangan matalino ka, magaling ka magsalita [Azi: Madiskarte], yes, madiskarte,” sabi ni Robb.

Hindi rin umano naging mahirap para kay Robb makisama sa kaniyang mga katrabaho. Ang sikreto niya, pinakikiramdaman niya muna ang kaniyang co-stars at production staff.

“Pinapakiramdaman ko muna 'yung isang tao kung okay ba, na magkaka-jive ba kami? Then du'n na po du'n na po siya naupunta 'yung usapan na 'Ay, okay pala itong kausap,'” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG ILAN SA VIVAMAX BABES NA NAGING BAHAGI NG 'BLACK RIDER' SA GALLERY NA ITO:

Pinabulaanan din nina Robb at Azi na high maintenance umano ang sexy stars, lalo na at masaya na sila sa mga food trip ng steet food. Sinigurado rin ng dalawang Vivamax actresses na seryoso sila sa kanilang love life.

Ayon pa kay Robb, “May mahirap din na part sa amin kasi hindi naman kasi halos lahat ng lalaki, makakaintindi sa trabaho namin. Kailangan namin ng isang lalaki na open-minded sa ginagawa naming trabaho.”

Kuwento naman ni Azi, single siya ngayon ngunit kahit marami ang sumusubok na ligawan siya, siya mismo ay ayaw na muna magkaroon ng boyfriend. Paglilinaw lang niya ay nagkaroon naman na siya ng boyfriend noon, pero ayaw lang niya muna magkaroon ulit ngayon.