GMA Logo Robb Guinto on Unang Tikim
What's Hot

Robb Guinto, muntik nang maagawan ng role sa 'Unang Tikim'

By Nherz Almo
Published August 5, 2024 11:22 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Drug war victims reject Duterte camp bid for info related to case participants
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Robb Guinto on Unang Tikim


Robb Guinto, sa 'GL Crush' tag sa kanya: “Ako na yata ang papalit sa mga lalaki, ah. Ako na ang leading man.”

Hindi napigilan ni Robb Guinto ang maluha nang purihin siya ng direktor na si Roman Perez, Jr., dahil sa pagganap niya sa pelikulang Unang Tikim.

Ito ang unang Vivamax movie na ipalalabas sa mga sinehan kaya naman, ayon kay Direk Roman, maraming Vivamax actresses ang nagnais na maging bahagi nito.

“Idi-disclose ko lang, ang daming nag-away-away sa role na 'to,” pabirong sabi ni Direk Roman nang tanungin ng GMANetwork.com kung bakit sina Angeli Khang at Robb Guinto ang napiling bumida sa naturang pelikula sa media conference nito kamakailan.

Patuloy niya, “Sa totoo lang, issue 'to kasi alam po nila na magsi-cinema 'to. Lahat ng managers ng kung kani-kaninong kampo, siyempre, gustong pumasok dito. E, dalawa lang yung slot. Siyempre, may slot yung Jojo Veloso [talent manager] kasi nandito yung queen [Angeli Khang]. May slot si ganito-ganito, pero never pa nilang nakita si Robb Guinto na napakahusay umarte para sa slot na 'to. Yun ang factor.

“Walang biro, maraming nag-away-away sa puwesto na 'to. Kulang na lang magsiraan ang mga 'to, joke! Totoo po ito, napakahirap ng pinagdaanan ng dalawang ito kasi ang dumadaan sa Vivamax ngayon ay siguro mga isang daang babae na, pero silang dalawa yung best kaya sila yung nandito ngayon.”

Nang hingin ng GMANetwok.com ang reaksiyon nina Angeli at Robb, hindi na napigilan ng huli ang maluha dahil, aniya, “Sobrang naging challenging itong pagpasok ko sa Unang Tikim.”

Dahil nga sa nabanggit ni Direk Roman na mahigpit na pagsala ng mga magiging bida, inamin ni Robb na umabot siya sa puntong kinuwestiyon niya ang sariling niyang kakayahan sa pag-arte.

Kuwento niya, “Noong una kasi, binato na talaga sa akin 'tong role na 'to, sinabi na sa akin 'tong movie na 'to. 'Tapos, parang may narinig lang ako na, 'Ay, hindi na dito,' na parang, 'Hindi ka bagay sa role na 'to.'

“So ako, parang kinuwestiyon ko ang sarili ko. Kinuwestiyon ko ang sarili ko na baka hindi ito talaga para sa akin itong pag-aarte kaya siguro sinasabi nila na hindi para sa akin ang role na 'to. Pero piunatunayan ko sa direktor, sa lahat, talagang pinag-aralan kong mabuti ang role ko rito sa Unang Tikim. Actually, naging challenging sa akin kasi dalawa yung naging role ko rito.”

Kaugnay nito, nagpapasalamat ang aktres dahil sa kanya pa rin ibinigay ang role sa huli.

Sa hiwalay na panayam ng GMANetwork.com, sabi ni Robb, “Thankful pa rin ako kasi, ayun nga, sinuportahan ako ng manager ko. And, of course, sa Viva, kina Boss Vic. Akala ko maagaw, pero thankful ako at pinag-pray ko talaga 'to.”

Sa palagay ni Robb ay talagang nababagay sa kanya na gampanan ang role niya bilang love interest ni Angeli sa pelikulang ito na may temang girls love.

Aniya, “Yung role kasi para mas ano ako, boyish, mas gamay ko talaga siya. Feeling ko magagawa ko 'to. Alam ko magagawa ko 'to.”

Ano naman ang masasabi niya sa bansag sa kanyang “GL Crush”?

Sagot ni Robb, “Nagulat ako, sabi ko, paano yun? Siguro nga dahil marami na akong girls na naka-partner. Hindi ko pa rin alam kung paano mae-explain kung bakit ako tinawag na GL crush.”

Pabirong hirit pa niya, “Sabi ko nga kanina, parang ako na yata ang papalit sa mga lalaki, ah. Ako na ang leading man.”

Sa palagay ni Robb, naging kumportable siyang gawin ang role niya dahil dumaan na rin siya sa “confused phase” noong kabataan niya.

Paglalahad niya, “Pakiramdam ko mas napapangatawanan ko nga yung role na ganun. And siguro baka nagkaroon din kasi ako ng… Kasi, naging confused din ako sa gender ko. High school ako noon, 'tapos, nagka-crush ako sa isang classmate ko. Sobrang ganda. 'Tapos triny ko siyang ligawan. Kaso nga lang, nakipagbalikan siya sa jowa niyang lalaki. Sobrang heartbroken ako. Ayun lang, kaya medyo na-confuse ako.”

Sa kabila nito, sigurado na raw si Robb ngayon, “Lalaki pala talaga ang gusto ko.”

Mapapanood ang Unang Tikim sa mga sinehan simula Miyerkules, August 7.

Samantala, kilalanin si Robb at iba pang Vivamax stars na bumida sa GMA Prime series na Black Rider: