
Mainit ang naging rebelasyon ng dating aktor at producer na si Robby Tarroza tungkol sa relasyon ng yumaong si Francis Magalona at nabiyudang misis nito na si Pia Magalona.
Si Robby ay kaibigan umano ni Francis M at nagging producer ng isa sa mga naging concert tour ng yumaong Master Rapper.
Ayon sa Facebook post ni Robby, hindi totoong kasal sina Francis M at Pia, dahil kasal na umano ang huli sa ibang lalaki at may mga anak ito rito.
Sulat ni Robby sa kaniyang post, “Wala kasi tayong divorce sa Pilipinas! But even with kasal, ang tanong, was Kiko married to Pia?! No, she was married to another guy with last name Fernando and they had a son, Niccolo and daughter Unna, who many of us knew this! Pia huwag ka magpabiktima! grabe ka! No one broke up your marriage dear! You were never married in the Philippines!”
BALIKAN ANG MGA LARAWAN NOON NI FRANCIS M. DITO:
Paglalahad pa ni Robby, ikinuwento umano sa kaniya noon ni Francis M na iniwan niya na si Pia at nahanap na nito ang babaeng mahal niya.
Kuwento ni Robby, “Francis then told me he was done with Pia and left her. He told me he couldn't take it anymore. All the fights and bugbugan nila, 'yung ugali daw ni Pia nakakasira ng utak. He said he now has peace.”
“A few months later we met again and he mentioned he was with another woman who is totally the opposite sa ugali ni Pia. He stressed, 'Ang sarap pala ng ganitong 'real love' Robski,' yeah he called me Robski lol pang gangster ko 'yun,” ani Robby.
Hindi naman binanggit ni Robby kung ang babaeng sinabi ni Francis M ay si Abegail Rait. Si Abegail ay ang babaeng lumantad kamakailan at nagpapakilala na naging karelasyon umano ni Francis M bago ito pumanaw.
Matatandaan na nag-viral kamakailan si Abegail matapos lumabas ang isang vlog ng naging pagbebenta niya ng jersey ni Francis M sa collector at vlogger na si Boss Toyo.
Sa nasabing vlog isiniwalat ni Abegail ang kuwento nila ni Francis M kasama ang kanila umanong naging anak na si Gaile Francesca.
Sa interview ni Cata Tibayan kay Gaile para sa 24 Oras, sinabi ng 15 taong gulang na dalaga na hindi siya apektado ng mga negatibong komento na ibinabato ng publiko sa kanila ng kaniyang ina na si Abegail.
Aniya, “I don't mind the comments po kasi I know the story, and so no comment na lang po ako roon. Basta I know the story, that's why I'm not affected at all. And also my family.”
Dagdag pa niya, “All I know is that I am my father's daughter.”
Sa ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng kinikilalang naiwang pamilya ni Francis M. sa kabila ng pagiging mainit na usaping ito.