GMA Logo PBB Robi Domingo Bianca Gonzalez Gabbi Garcia Enchong Dee Alexa Ilacad Mavy Legaspi
What's Hot

Robi Domingo nakatanggap ng surprise mula 'PBB Celebrity Collab Edition 2.0' co-hosts

By EJ Chua
Published October 9, 2025 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: April 1, 2026
Libreng papsmear at breast exam, handog ng GMAKF sa 100 babae sa Cebu | 24 Oras
Social Experiment - Gasolina para sa nangangailangan; pasahero, nagbulsa ng pamasahe? | Good News

Article Inside Page


Showbiz News

PBB Robi Domingo Bianca Gonzalez Gabbi Garcia Enchong Dee Alexa Ilacad Mavy Legaspi


May pa-surprise ang Pamilya ni Kuya para kay Robi Domingo!

Sa mismong pictorial ng hosts/Pamilya ni Kuya para sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, naganap ang isang cute surprise para sa isa sa miyembro ng Pamilya ni Kuya.

Habang kinukuhanan ng group photo, gulat na gulat ang tinaguriang Tambay sa Bahay Ni Kuya na si Robi Domingo nang biglang kumanta ng birthday song ang kaniyang co-hosts.

Kasabay nito ang masayang pag-abot sa kaniya ng isang cake na mula sa creative at production team ng Pinoy Big Brother.

Ang celebrities na present at nakisaya sa pahabol na surprise para sa 36th birthday ni Robi ay sina Bianca Gonzalez, Gabbi Garcia, Enchong Dee, Alexa Ilacad, at Mavy Legaspi.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)

Magkakasama ulit silang mapapanood bilang hosts sa panibagong collaboration ng GMA at ABS-CBN, kung saan kasama rin nila sina Kim Chiu at Melai Cantiveros-Francisco.

Abangan at subaybayan ang muling pagbubukas ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0, ngayong October na.

Related gallery: Bonding moments ng PBB Celebrity Collab Edition housemates sa outside world