
Hindi na raw ikinagulat ni Robin Padilla ang rebelasyon ni AJ Raval na tatlo na ang anak nila ni Aljur Abrenica.
“Wala akong alam sa ganyan, pero hindi na ako nabibigla. Hindi na kabigla-bigla 'yan sa panahon ngayon,” sabi ng actor-senator sa panayam ng GMANetwork.com at iba pang entertainment media matapos siyang pumirma ng kontrata sa Viva Film kahapon November 11.
Nang hingin ang kanyang mensahe para sa dating asawa ng anak niyang si Kylie Padilla, sinabi ni Robin, “Wala naman akong masasabi kundi good luck sa lahat. Ang maganda, maayos sila, hindi sila nag-aaway. Ang alam ko, lumalabas silang pamilya, e.”
Dagdag bilin pa niya, “Magsipag ka lalo kasi marami ka ng mga anak.”
Related gallery: AJ Raval, Aljur Abrenica's tender moments with their kids
Bukod sa tatlong anak kay AJ, mayroon ding dalawang anak na lalaki si Aljur kay Kylie, sina Alas Joaquin at Axl Romeo.
Pagdating sa kanyang anak na si Kylie, tila wala namang pangamba si Robin.
Aniya, “Matanda na kasi si Kylie at lumaking independent yung batang yun. Mabuting ina, magaling na ina, masipag, hindi ko na siya masyadong inaalala pa sa mga ganyang usapin.”
Diin pa niya, “Mahal na mahal kita. Lalo kang maging mas masipag dahil pahirap nang pahirap ang buhay ngayon.
“'Tapos, ingatan mo naman ang sarili mo dahil nag-aalala ako kapag pumapayat ka. Hindi kasi ako sanay na payat yung batang yun dahil kasabayan ko yung sa martial arts noong aral. So, nalulungkot ako kapag…
“Kasi, iisa lang naman ang bahay namin, e. Minsan kapag binuksan na niya ang bintana, kita ko na siya. Hindi ko siya nakilalang sexy, e, macho siya nang nakilala ko.”
Robin Padilla (middle) signs partnership deal with Viva Films for the release of Bad Boy 3. Joining him in this photo are Viva Films executive Vic del Rosario (left) and Vincent del Rosario (right). Courtesy: Nherz Almo
Samantala, ang pagpirma ni Robin sa Viva Films ay para sa pagbabalik-pelikula niya, at una na rito ang ikatlong installment ng sikat niyang action film na Bad Boy.
Ayon kay Robin, noong 2014 pa naumpisahang i-shoot ang pelikulang Bad Boy 3. Nang magkita sila ng Viva Films CEO na si Vic del Rosario, muli raw siyang tinanong kung kailan maipalalabas ang pelikula. Nang matapos nila ang pelikula noong August 2024, na-realize daw ni Robin na, 'Uy, meron pa.'
Kaya naman napagdesisyunan niya at ni Boss Vic na ituluy-tuloy na ang paggawa muli niya ng mga pelikula.
Paglilinaw naman niya na dahil nakaupo pa siya billang senador, gagawa lamang siya ng pelikula sa tuwing naka-break ang Senado.