
Sa pag-reveal ng permanent dance star duos, nagpakitang-gilas ang celebrity at P-pop dance stars sa “Hataw Night” ng April 19 episode ng Stars on the Floor 2026.
Sa naturang episode, nagwagi sina Rocco Nacino at KAIA Sophia bilang 9th top dance star duo matapos nilang maghatid ng all-out energy femme performance.
Bilang mga cook sa kanilang performance, naghatid sila ng init at alab sa entablado—na sinang-ayunan naman ng Dance Universe, kung saan marami ang nagsabing sila ang karapat-dapat na manalo sa gabi.
Nakalaban nila sa dance showdown sina Jasmine Curtis-Smith at 1st.One Joker, na nagpasabog ng kanilang angas sa performance.
Noong nakaraang linggo, sina Chanty Videla at HORI7ON Jeromy ang itinanghal na 8th top dance star duo matapos ang kanilang mala-Beyonce na femme performance.
Tutukan ang mas nag-iinit pang performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:00 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
Samantala, balikan dito ang mga naging top dance star duos sa Stars on the Floor 2026: