
Maaksyon ang magiging pagbabalik ni Rocco Nacino bilang Aquil sa superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre.
Si Aquil ay asawa ni Sang'gre Danaya (Sanya Lopez) at ama ni Gaiea (Cassy Lavarias).
Matatandaan na pumunta sa mundo ng mga tao si Danaya kasama sina Aquil at Gaiea dahil sa utos ni Hara Cassandra (Michelle Dee). Ito ay upang maganap ang itinakda at maisilang ang tagapagligtas ng Encantadia.
Magiging masalimuot ang mga susunod na mangyayari kay Aquil at sa anak na si Gaiea sa mundo ng mga tao.
Huwag itong palampasin sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:40 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network.
Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.
KILALANIN ANG CAST NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: