
Mahuhusay na martial artists ang magpapakita ng galing sa Family Feud stage ngayong September 9.
Ngayong Martes, all-out war sa pagsagot ng top answers ang masasaksihan mula sa teams Lockdown Legends at The Bullyville. Maglalaro bilang mga team captain ang Kapuso actors na sina Rocco Nacino at Gil Cuerva.
Si Rocco ay ang brown belter at naghahanda na makuha ang kaniyang black belt sa jiu-jitsu. Makakasama niya sa team Lockdown Legends sina kiddie coach Janurrie Castillo; ang project manager, copy/content writer at jiu-jitsu disciple since 2014 na si Nikki De Castro; at ang student and recent martial arts recruit as of August 2022 na si David Miranda.
Si Gil na leader ng The Bullyville ay isang fast learner na nanalo ng three matches sa kaniyang first jiu-jitsu competition. Maglalaro kasama ni Gil sa Family Feud si Cyrus Gredona, ang banker at head coach ng Bullyville Fight Team; Damien Aldeguer na disciple of three years; at ang Sparkle artist at Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Luis Hontiveros.
Abangan ang championship-level tapatan ng Lockdown Legends at The Bullyville sa Family Feud ngayong Martes, 5:40 p.m. sa GMA.
Subaybayan ang fresh episode ng Family Feud Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: