GMA Logo
What's Hot

Rocco Nacino, gustong ma-inspire ang mga kabataan sa kanyang pagsali sa Philippine Navy

By Maine Aquino
Published December 23, 2019 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Isa nang Petty Officer 3rd Class ng Philippine Navy si Rocco Nacino.

Ibinahagi ni Rocco Nacino ang kanyang rango sa Philippine Navy nang siya ay bumisita sa Idol sa Kusina.

Ayon sa Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor, "Ang rango ko po ngayon ay Petty Officer 3rd Class ng Philippine Navy."

Kuwento ni Rocco, nais niyang magbigay tulong sa bansa at magsilbing inspirasyon sa mga kabataan.

"Ginagawa ko ito bilang pag-serve sa bansa natin, para makatulong at maka-inspire sa mga kabataan."

Dagdag pa ni Rocco, ang Philippine adaptation ng Descendants of the Sun ang nagpursige sa kanyang magpa-enlist sa Philippine Navy.

"Kaya ko naisipan na mag ganito kasi 'yung pinagdaanan namin, 'yung training at nakausap namin 'yung mga sundalo, sabi ko grabe. Kaya pala idol natin itong mga ito. Talagang pinoprotektahan nila ang bansa natin."

WATCH: Rocco Nacino, nagpa-enlist na sa Philippine Navy

Magsisimula na ang Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa darating na 2020.