
“Alam mo, it all comes down to 'walang pera diyan, e.'”
Iyan ang naging sagot ng Kapuso actor na si Rocco Nacino tungkol sa challenges na kinakaharap ng mixed martial arts (MMA) fighters ngayon sa Pilipinas.
Nitong September 11 ay pumirma si Rocco bilang pinakabagong chief executive officer ng MMA Promoter na Zeus Combat League o ZCL. Layunin umano nila na matulungan ang mga fighters na maipakita ang galing nila hindi lang sa bansa, kundi maging sa buong mundo.
Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com kay Rocco, sinabi niyang babaguhin nila ng ZCL ang kaalaman ng mga tao na walang pera sa MMA.
“Laging sinasabi, 'Walang pera diyan, walang pera diyan.' Dito namin babaguhin ang lahat. With the fighter's purse, we made it a point na kasama sa expenses na palakihin 'yung purse nila and when they show up and when they win, mas malaki makukuha nila,” sabi ng aktor.
Dagdag pa ni Rocco, alam ng lahat na kaya lumalaban ang Pinoy fighters ay para kumita ng pera at maipangsustento nila sa kanilang pamilya. Layunin umano ng ZCL na i-compensate ang hirap ang pagod ng mga fighter ng magandang kita para mas ma-motivate silang lumaban.
“Mas mamo-motivate sila to do better, mas mamo-motivate 'yung mga kasamahan nila to join the league, mas malu-look forward nila to promote themselves and to be beneficial to the company,” sabi ng aktor.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAG-ARAL DIN NG MARTIAL ARTS SA GALLERY NA ITO:
Para kay Rocco, 'yun lang ang nakikita niyang hadlang para sa mga Pinoy fighters. Dahil kung sa usaping MMA lang ay naisusulong na ng ibang bansa ito, at ang kulang na lang ay maipatupad ito sa Pilipinas.
“Iilang leagues lang ang meron dito and we want to be the best one. Actually, we will be the best one in the Philippines, and kami ang ipagmamalaki ng Pilipinas in providing globally competitive fighters who can be champions in different platforms,” sabi ni Rocco.