What's Hot

Rocco Nacino, maraming natutunan sa Cinemalaya film na 'Tirik'

By Marah Ruiz
Published July 12, 2026 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PAGASA: Habagat to soak parts of Luzon, Visayas on July 13, 2026
Man, 68, killed in landslide in Tubungan, Iloilo
Local craft beer brand opens new taproom in QC

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Gaganap bilang pari si Rocco Nacino sa upcoming Cinemalaya film na 'Tirik.'

Bibida si Kapuso actor Rocco Nacino sa upcoming drama thriller film na Tirik.

Isa ito sa siyam na full-length entries para sa prestihiyosong Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ngayong taon.

Gaganap si Rocco dito bilang pari na mag-a-attend ng lamay kasama ang kinontrata niyang taxi driver. Pero imbes na simpleng commute, magiging isang kakaibang road trip ang kanilang biyahe sa gitna ng magulong siyudad sa kasagsagan ng tinaguriang "drug war."

cinemalayaofficial (IG)

Ayon kay Rocco, marami siyang bagong natutunan bilang aktor dahil sa pelikula at sa role niya dito.

"Nakakatuwa na matuto ulit. Malalim 'yung acting. Marami akong natutunan kasi going into this film, may sariling atake ako doon sa character ko pero natuto ako, in a way, na ibang iba 'yung kailangan kong ipakita dito sa pelikula na ito," lahad ng aktor.

Sa kanyang Instagram, ipinasilip din niya ang trabaho niya sa set ng Tirik.

"Back to acting. Hello, Father," sulat niya sa caption ng kanyang post.

A post shared by Rocco Nacino (@nacinorocco)

Bukod sa Tirik, nakatakda ding maging bahagi si Rocco ng upcoming action-drama series na Hari ng Tondo.

Pagbibidahan ito nina Kapuso Drama King Dennis Trillo at primetime action hero Ruru Madrid.

Iikot ang kuwento ng serye sa mga taong hinubog ng Tondo.

Bukod kina Dennis, Ruru, at Rocco, bahagi rin ng serye sina Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin, Victor Neri, Nonie Buencamino, at Isko Moreno.

Si Enzo Williams naman ang magsisilbing direktor ng serye.

SILIPIN ANG STORY CONFERENCE NG HARI NG TONDO DITO:

Panoorin din ang buong ulat ni Nelson Canlas para sa 24 Oras sa video sa itaas.