
Taong 2023 nang unang ianunsyo ni Direk Mark Reyes ang pagbabalik ng 2016 version na karakter nina Rocco Nacino at Sanya Lopez na sina Aquil at Sang'gre Danaya sa upcoming fantaserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre matapos ang ilang taon.
Sa panayam ng GMANetwork.com kay Rocco sa naganap na contract signing niya sa mixed martial arts promoter na Zeus Combat League nitong September 11, ipinahayag ng aktor kung gaano siya kasaya na muling bumalik bilang si Aquil.
Katunayan ay nakagawa na siya ng ilang eksena para sa serye at nagpahinga lang panandalian para sa isang proyekto sa GMA Pictures.
“Pero babalik pa 'ko kasi may mga scenes pa akong kailangan gawin. It's more of 'yung mga artista na kailangan kasi magkakasama kami so hindi nagkakatugma ang schedules,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “Happy ako na babalik ako bilang Aquil dahil maraming naka-apreciate sa tambalan namin ni Sanya bilang Aquil and Danaya so looking forward [to it.]”
BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA STORY CONFERENCE NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO:
Bukod sa masaya niyang pagbabalik sa serye, excited na rin umano si Rocco para sa mga bagong Sang'gre na sina Bianca Umali, Kelvin Miranda, Angel Guardian, at Faith Da Silva.
Ipinahayag rin ni Rocco ang tiwala niya sa mga bagong tagapangalaga ng mga brilyante na kayang-kaya nila gampanan ang kanilang mga role.
“It's going to be very tiring for them pero naniniwala ako sa kanila na kayang-kaya nila gampanan 'yun, lalo na with the technology na meron tayo, it's gonna be easier for them,” sabi ng aktor.
Nagbigay rin si Rocco ng kaunting teaser sa mga dapat abangan sa nalalapit na fantaserye. Aniya, “Sa mangyayari, magugulat sila sa mangyayari. Kung akala ninyo alam n'yo na 'yung istorya ng Encantadia at 'yung nangyari after, be prepared to be surprised.”
Kuwento ni Rocco ay nagpahinga muna siya sandali sa tapings niya bilang si Aquil dahil meron siyang ginagawang proyekto ngayon sa GMA Pictures. Walang detalyeng ibinigay ang aktor ngunit sinabi niyang nahirapan siya dito dahil hindi pa niya ito nagawa noon.
“It's something a Rocco Nacino hasn't done so nahirapan ako. But, I'm actually enjoying it. Again, andu'n tayo sa going out of your comfort zone. Happy ako na in-offer sa akin, was very very happy to accept it,” sabi ni Rocco.
Pag amin pa ng aktor ay hindi siya makapag-focus sa contract signing event dahil 5 a.m. na siya nakauwi dahil sa layo ng kanilang taping location. “But last time was beautiful scenes and I can't wait. If only I can tell you sino kasama ko, I will. But isa 'yun sa mga dapat abangan ng mga Kapuso.”