
Ibinahagi ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang kaniyang ginagawang slimming journey na bahagi ng kaniyang paghahanda para sa inaabangang GMA Gala 2023.
Sa Instagram, makikita ang video ng ginawang treatment kay Rocco upang mabawasan ang kaniyang timbang.
“Yep. Feeling the change with @avignonclinic's Lipolyptic injections to aid me in my slimming journey to prep for the upcoming #GMAGala2023,” saad ni Rocco sa nasabing social media post.
Ayon kay Rocco, positive naman ang resulta ng kaniyang slimming journey dahil matapos lamang ang isang buwan ay nabawasan agad ng apat na kilo ang kaniyang timbang.
Aniya, “This is round [two] of my shots, and with a good high fiber, high protein diet, complementing with exercise, I'm now at 70kgs compared to 74kgs a month ago.”
Matatandaan na kasama ni Rocco na dumalo noon sa GMA Gala 2022 ay ang kaniyang asawa na si Melissa Gohing na buntis pa noon sa panganay nila na si Baby Ez.
Samantala, tuloy-tuloy din ang preparasyon ng GMA Executives mula sa creative execution hanggang sa banquet para sa tinatayang halos isang libong media personalities na dadalo sa GMA Gala 2023.
Sa isang panayam, sinabi ni GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes na hindi lamang GMA artists ang aasahan sa naturang event, dahil dadalo rin ang iba pang media partners, at non-GMA artists.
“It might be the event of the year kasi nandiyan of course ang ating artists pero invited din lahat ng partners natin, those na naka-collaborate natin.
“So, pati 'yung mga artists that we worked with na not from GMA will also be there, so we're very excited,” pagbabahagi ni Atty. Gozon-Valdes.
Ang GMA Gala ay magsisilbing fundraising event na makatutulong sa iba't ibang institusyon na lubos na nangangailangan.
Abangan ang iba pang updates tungkol sa GMA Gala sa lahat ng social media accounts ng GMA o magtungo sa GMANetwork.com.
SILIPIN ANG BEST STYLE MOMENTS NI ROCCO NACINO SA GALLERY NA ITO: