
Isa ang aktor na si Rocco Nacino sa sought-after Kapuso leading men.
Sa kanyang previous interviews, seryosong nagkuwento si Rocco tungkol sa kanyang love life noon. Ayon sa Sparkle star, naranasan niyang ma-scam o maloko noon sa pag-ibig.
Pagbabahagi niya, “Sa totoo lang… sa mga balita tungkol sa akin, for the longest time, hindi ako makuntento sa isang babae. May back story po 'yan. Kasi sa unang naging karelasyon ko po, niloko po ako, na-scam po ako.”
Dagdag pa niya, “Na-scam ako dahil kaibigan ko, jinowa niya, nalaman ko. Ang naging defense mechanism ko, naging heartbreaker po ako, which was wrong.”
Kasunod nito, ibinahagi ni Rocco kung ano ang iniwan na lesson ng kanyang heartbreak noon sa kanyang sarili.
Sabi niya, “Many, many years akala ko po ganon dapat 'yun, until I stayed single. Doon ko po natutunan na mahalin ang sarili ko muna. Then, na-appreciate ko na 'ah ganito pala sa love.'”
Bukod sa scam sa pag-ibig, naranasan din noon ni Rocco na ma-scam noon sa isang investment scheme.
Si Rocco ang isa sa lead stars ng GMA action suspense drama series na The Missing Husband.
Abangan ang finale episode ng serye sa Biyernes, December 15, 2023, 4:05 pm sa GMA Afternoon Prime.