
Nagsisimula na si Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actor Rocco Nacino sa paglalagay ng finishing touches sa kanyang new house.
Sa huling post niya sa Instagram, makikitang halos kumpleto na ang panglabas na istruktura ng bahay.
Naging very hands on si Rocco sa pag-construct ng kanyang bahay.
"A productive day visiting the house and supervising sa pag-install ng airconditioning. Nakapag workout pa dahil tumulong ako sa pagbuhat ng tiles na bagong bili para sa ibang kwarto!" sulat niya.
Susunod naman daw niyang aasikasuhin ang ilan pang kinakailangan sa labas naman ng bahay.
"Next up, exterior accent tiles and finishing of paint coating! Thank you @erlindanacino for helping today!" aniya.
Nine years daw na pinag-ipunan ni Rocco ang pondo na ginamit niya sa pagpapatayo ng kanyang dream house.
Balak naman niyang lumipat dito sa parating niyang birthday, March 21.