
Bumaha ng emosyon ang dance floor sa Stars on the Floor 2026 dahil sa contemporary performance nina Rocco Nacino at KAIA Sophia.
Sa March 22 episode, hindi napigilan ni Rocco na maging emosyonal matapos nilang i-perform ang kanilang piyesa. Sa gitna ng pagkokomento, napansin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na naluha ang aktor.
“Di ako makakalas. May naalala lang,” pag-amin ni Rocco.
Ibinahagi ni Rocco na halos lahat ng tao ay naranasan nang mawalan ng mahal sa buhay na kanilang ipinakita sa performance.
“Siyempre lahat tayo, pinagdadaanan 'yan na makita 'yan, na may mawala sa ating buhay,” aniya.
Dagdag pa niya, “So, dine-dedicate ko 'yan sa dalawang lola ko pero mas naging emosyonal ako kasi with every death, life comes. Kaya naalala ko 'yung bagong silang na anak ko. Kaya ako ganito.”
Dahil sa kanilang nakakatayong-balahibo at emosyonal na contemporary performance, itinanghal na 5th top dance star duo sina Rocco at Sophia sa naturang episode.
Abangan pa ang mas pasabog na performances sa Stars on the Floor 2026 tuwing Linggo, 7:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, at GMA Pinoy TV.
RELATED GALLERY: Top dance star duos who stole the spotlight on 'Stars on the Floor' 2026