GMA Logo Stars on the Floor in Family Feud
PHOTO SOURCE: Family Feud
What's on TV

Rocco Nacino, Paul Salas, at P-Pop dance idols ng 'Stars on the Floor,' may Monday tapatan sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published May 25, 2026 1:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Mav Gonzales gives birth to a baby girl!
Group challenges XU’s claims on Manresa project
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Stars on the Floor in Family Feud


Abangan ang mga celebrities at P-Pop stars ng 'Stars on the Floor' na maghaharap sa May 25 sa 'Family Feud!'

Puno ng energy ang Monday episode ng Family Feud dahil bibisita ang mga celebrity at P-pop dance idols mula sa Stars on the Floor Season 2.

Ngayong May 25, maghaharap-harap muna sila sa Family Feud stage bago ang kanilang inaabangang Stars on the Floor Season 2 grand finale.

PHOTO SOURCE: Family Feud

Pangungunahan ng Kapuso actor-dancer at second-time dad na si Rocco Nacino ang grupong Groove Shakers. Makakasama niya sina Sophia ng KAIA, Jeromy ng Hori7on, at Joker ng 1st.One para sa isang energetic at exciting na laban.

Hindi magpapahuli ang Mighty Movers na pinamumunuan ng Kapuso star na si Paul “Swaggy” Salas. Kasama niya sa grupo sina Denise ng Calista, Sparkle artist na si Chanty Videla, at Jao ng Alamat.

Tutukan ang kulitan, sayawan, at matinding energy mula sa dalawang teams ng Stars on the Floor Season 2 sa Family Feud ngayong May 25, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Tuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, The Master Cutter, at Never Say Die.