GMA Logo Rocco Nacino
Source: nacinorocco/IG
What's Hot

Rocco Nacino, proud na irepresenta ang bansa sa Busan International Film Festival

By Kristian Eric Javier
Published October 15, 2024 1:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Beauty Gonzalez, sinabing very supportive sa kaniyang career ang mister na si Norman
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino


Masaya si Rocco Nacino na mayroong representasyon ang Pilipinas sa naganap na Busan International Film Festival.

Hindi man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival. Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang barong tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event.

Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea para dumalo sa Busan International Film Festival at nakita niya ang ilang kilalang Korean stars katulad nina Song Joong Ki, Ji Chang Wook, Yoon Kyung Ho, at Jung JinYoung. Nakita rin niya sina Park Seo-Joon at Yim Siwan na pareho umanong awardees sa BIFF.

“It was really the barong ang nagkuha ng interes nila kung paano ako nagkaroon ng paraan na makausap sila,” sabi ni Rocco sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Kuwento ni Rocco ay nagkatinginan sila ni Ji Chang Wook at bilang courtesy ay lumapit siya at nagpakilala sa aktor. Aniya, very welcoming ang Korean stars sa kaniya habang nandoon sila.

Nakita rin niya si Song Joong Ki, ang aktor na gumanap bilang the Big Boss sa Korean Drama series na Descendants of the Sun, ang parehong karakter na ginanapan naman ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation habang si Rocco naman ang gumanap bilang bestfriend nito.

“Binuksan ko kaagad 'yung telepono ko, 'Sir, it's nice to meet you, I'm an actor from the Philippines. Can I show you this?' Pinakita ko sa kaniya 'yung mga photos namin nila Dingdong (Dantes). Sabi niya, 'Woah! What's your name?' Humaba na 'yung kuwentuhan namin,” paglalahad ni Rocco.

Pinadala rin niya ang litrato nila ni Joong Ki sa group chat nila ng kaniyang co-stars sa Descendants of the Sun at sinabing “nagwawala sila” noong nakita ang litrato.

“Bakit ko katabi si Song Joo-Ki at never daw 'yun nangyayari sa isang Filipino,” pag-alala ni Rocco.

Nakilala rin niya ang bida ng hit Korean series na Squid Game na si Lee Jung-Jae at sinabing nagustuhan umano ng Korean star ang kaniyang barong.

SAMANTALA, TINGNAN ANG KOREAN STARS NA NAKITA NI ROCCO SA BIFF SA GALLERY NA ITO:

Sinorpresa naman niya ang asawang si Melissa Gohing-Nacino, na isang longtime K-drama fan nang mag-video call siya kasama sina Park Seo-Joon at Yim Siwan.

“Nag-video call ako kay Mel, sabi ko, 'Ito ba 'yung ultimate crush mo?' tapos vinideo call ko. Umiyak on the spot,” pag-alala ni Rocco.

Sabi pa ni Rocco, dahil sa ipinakitang kabaitan ng mga Korean stars sa kaniya ay nabuhay ang interes niyang simulan ang kaniyang K-drama journey.

Panoorin ang buong panayam ni Rocco rito: