What's on TV

Rocco Nacino, tumulong sa pagbuo ng kanyang bahay

By Maine Aquino
Published August 5, 2020 3:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Senate Blue Ribbon committee resumes its hearing on anomalous flood control projects (Jan. 19, 2026) | GMA Integrated News
Bureau of Immigration arrests Estonian vlogger for harassing locals in PH
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade

Article Inside Page


Showbiz News

Rocco Nacino in Sarap Di Ba


Sumabak si Rocco Nacino sa worker for a day challenge ng 'Sarap, 'Di Ba?' at ipinakita ang kanyang ginawa para makatulong sa pagbuo ng kanyang bahay.

Sa Sarap, 'Di Ba? ipinakita ni Rocco Nacino ang kanyang challenge na ginawa para makatulong sa pagbuo ang kanyang dream house.

Saad ni Rocco, "Sana maging successful ako. Samahan ninyo ako mga Kapuso. This is Rocco Nacino, doing the worker for a day challenge."

Sa kanyang worker for a day challenge, nagpinta, naglagay ng tiles at naghalo ng semento ang aktor sa kanyang bahay.

Sarap Di Ba August 2 episode


Sa pagpipinta ay nagkamali ng diskarte si Rocco. Dito rin ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang realization na hindi basta-basta ang kanilang trabaho.

"Hindi pala biro maging pintor 'no? Unang-una ay nakakangawit, pangalawa ang bilis mo lang madumihan, pangatlo hindi basta-basta natatanggal yung pintura sa katawan mo. Pang-apat, kailangan precise ka.

Sa video na ito ay naghalo rin si Rocco ng semento at nagkabit ng tiles.

Natatawang kuwento pa niya, "Sana nag-enjoy kayo na makitang hirap na hirap ako gumawa ng ganitong bagay."

Paalala naman niya sa mga manonood ng Sarap, 'Di Ba?, "Ingat kayo, stay safe, stay at home."

Panoorin ang kanyang challenge sa video na ito

Sarap, 'Di Ba?: Legaspi family takes on 'We Can Do It Challenge' | Bahay Edition

Sarap, 'Di Ba?: Tinolang Gata sa Kalabasa ala Carmina Villarroel! | Bahay Edition