
Tampok ngayong Sabado sa "Killer Menudo" episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng pamilya ni Sol (Rochelle Barrameda) at ng kanyang mga kapitbahay na nabiktima ng food poisoning sa dinaluhang kasalan.
Marami sa kanila ang kinailangang isugod sa ospital at nalagay rin sa kritikal ang ina ni Sol. Pero ang nagluto ng inihandang pagkain ay wala man lang daw pakialam.
Makakasama ni Rochelle sa episode na ito sina Maila Gumila, Elora Españo, Anthony Rosaldo, Madeleine Nicolas, Mariel Pamintuan, Kim Perez, Lee O'Brian, at Heindrick Sitjar.
Huwag palampasin ang kaabang-abang na episode na ito ng Wish Ko Lang ngayong Sabado, September 24, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
TINGNAN ANG INSPIRING LGBTQIA+ STORIES NG 'WISH KO LANG' DITO: