
Usap-usapan ngayon online ang comeback single ng Filipino girl group na SexBomb Girls.
Bukod sa performance ng SexBomb sa inilabas na music video, pinag-uusapan din ng fans at netizens kung bakit wala umano rito ang ibang miyembro.
Sa post ng group leader na si Rochelle Pangilinan, inilahad niya sa comments section kung bakit hindi sila kumpleto.
“Hello Mama Mama! Sasagutin ko po kayo dito ha. Ito ang una at huli na sasagot ako sa mga katanungan ng iba. Marami talaga ang wala rito… and that's okay! Hindi na talaga makukumpleto ang [SexBomb] Girls. Karamihan sa kanila ngayon, mga nanay na, at may kanya-kanyang priorities, buhay, at responsibilities,” sabi ni Rochelle.
Dagdag pa niya, “From Round 1 to Round 6, bihira na talaga tayong maging kumpleto. Kaya 'wag na natin hanapin 'yung wala, i-enjoy natin 'yung nandito…”
Panoorin dito ang todo-hataw na pagbabalik ng SexBomb Girls sa dance floor!
Related gallery: The many times the SexBomb dancers proved sisterhood is forever
Matatandaang naging successful ang Round 1 hanggang Round 6 na Get Get Aw! reunion concert ng SexBomb Girls.