GMA Logo Shiloh Jayne
Celebrity Life

Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap dedicate a vacation trip for baby Shiloh's late birthday celebration

By EJ Chua
Published March 22, 2022 4:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Update on Bagyong Wilma as of 11 AM (Dec. 6, 2025) | GMA Integrated News
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Shiloh Jayne


Belated Happy Birthday, Shiloh Jayne!

Masayang ipinagdiwang ng celebrity couple na sina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan ang third birthday ng kanilang anak na si Shiloh Jayne.

Sa ilang Instagram posts ni Rochelle, makikita ang kanilang family vacation photos na nagsisilbing pahabol na selebrasyon para sa kaarawan ng kanilang anak na naganap noong February 24.

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)


Bukod sa kanilang mga larawan, isang nakaaantig na mensahe rin ang ipinaabot ng aktres sa kanilang unica hija.

“Happy 3rd Birthday, anak! Huli man daw at magaling naihahabol din. Nailabas din namin ng bahay si Shiloh sa wakas! Yahoo! Super excited kaming mag-asawa sa matagal nang pinangarap na bakasyon at celebration na ito,” sulat ni Rochelle sa kanyang post.

Dahil parehong nasa lock-in tapings ng kani-kanilang mga proyekto, hindi nakasama ng celebrity couple ang kanilang anak na si Shiloh sa mismong kaarawan nito.

Ilan sa Kapuso stars na nagpaabot ng kanilang greetings para kay baby Shiloh ay sina Little Princess actress Jo Berry, Max Collins, Manilyn Reynes, at marami pang iba.

Sa hiwalay na Instagram post, una nang nangako si Rochelle kay baby Shiloh na magse-celebrate silang buong pamilya pagkauwi niya mula sa lock-in taping para sa nalalapit na pagpapalabas ng action-adventure series na Lolong.

Samantala, tingnan ang barbie-themed celebration ni Shiloh para sa kanyang second birthday sa gallery na ito: