
May ngiti sa mga labi ni Rochelle Pangilinan nang makapanayam siya ng 24 Oras tungkol sa dance scene nila ng co-star na si Sanya Lopez sa Mga Lihim ni Urduja.
Kagabi (February 27) nagningning ang world premiere ng mega serye, matapos ito mag-trending sa Twitter Philippines at tinutukan ng mga manonood.
Lahad ni Rochelle na gumaganap bilang Dayang Salaknib na “wala” raw sa script ang ginawa nilang sayaw para sa primetime series.
“'Yung dance scene wala talaga siya sa script,” sabi niya sa Chika Minute. "And then sinabi na lang sa amin ni Direk Jorron [Lee Monroy] na, 'gawa tayo ng sayaw.'”
“Sabi ko, 'okay 'yun ah. War dance,'” ani Rochelle.
Naging madali rin daw sa kanila ni Sanya na mag-collaborate para sa sayaw nilang dalawa. Matatandaan na nagkatrabaho na ang dalawa sa requel ng Encantadia noong 2016.
Aniya, “May mga dancers na talagang iba pa 'yung tikas, pati 'yung dating nila, 'yung tayo nila bagay! Bagay sa tribu ng Tawalisi, so nung binuo na namin ni Sanya [Lopez] as in saglit lang, saglit lang nag-enjoy pa kami.”
Tinuturing naman ni Sanya Lopez ang karakter niya bilang Hara Urduja bilang isang “hero”. Paliwanag ng Sparkle star sa Chika Minute, “Isa siyang hero para sa akin, lalo na sa mga kababaihan. Isa siya sa mga nagsimula ng kaya natin, kaya ng mga kababaihan pumantay sa mga kalalakihan.”
Tumutok sa exciting scenes ng Mga Lihim ni Urduja sa GMA Telebabad sa oras na 8:00 p.m. at mapapanood ito sa GTV sa oras na 9:40 p.m..
KILALANIN ANG ILAN SA MGA KARAKTER SA MGA LIHIM NI URDUJA DITO: