GMA Logo Rochelle Pangilinan
Source: rochellepangilinan (IG)
What's on TV

Rochelle Pangilinan, napaluha sa 'Lolong: Bayani ng Bayan' publicity shoot

By Marah Ruiz
Published November 21, 2024 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Rochelle Pangilinan


Napaluha si Rochelle Pangilinan dahil sa sakripisyo niya sa publicity shoot ng 'Lolong: Bayani ng Bayan.'

Isa si Kapuso actress Rochelle Pangilinan sa original cast members na magbabalik para sa Lolong: Bayani ng Bayan.

Ito ang pangalawang season ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong.

Bibigyang-buhay niya muli ang kanyang karakter na si Karina, isang Atubaw na naninirahan sa Tumahan at isa sa mga kaibigan ng bidang si Lolong na karakter naman ni primetime action hero Ruru Madrid.

Sa publicity shoot ng programa na ginanap kamakailan, biglaang kinakilangan ni Rochelle na gupitin ang kanyang buhok.

Hindi niya napigilang maging emosyonal dahil dito, lalo na at signature look na niya ang mahaba at makapal niyang buhok.

Sinubukan pang pagaanin ng co-star ni Rochelle na si award-winning actor John Arcilla ang loob ng aktres na walang tigil ang luha habang ginugupitan.

"'Yan, 'yung ganyan na look, ngayon mo lang makikita. Pero pagtubo niyan, habang buhay mo na 'yang makikita," biro nito.

Ayon kay Rochelle, may malaking pagbabagong mangyayari sa buhay ng karakter niyang si Karina kaya kinailangan din niyang baguhin ang look niya bilang paghahanda para dito.

"Nagpapagupit ako para sa 2.0, season 2, ni Karina character. Si Karina dito ay nasa ibang level na, ibang dimension, so kailangan ko lang siyang sabayan. Ito ay bago para sa akin, para din kay Karina. Tumutulo na naman luha ko. Ayaw tumigil ng luha ko, my God," lahad niya.

Abangan ang malaking pagbabago sa buhay ng karakter na si Karina at sa iba pang mga tauhan sa dambuhalang pagbabalik ng number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show sa pangalawang season nitong Lolong: Bayani ng Bayan, soon on GMA Prime.

Balikan ang unang season ng Lolong: GMANetwork.com/Lolong