GMA Logo Ruru Madrid
Source: rurumadrid8/IG
What's on TV

Ruru Madrid, excited na sa nalalapit na ikalawang yugto ng 'Lolong'

By Kristian Eric Javier
Published November 19, 2024 12:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Gasoline prices up by P1.20 on Tuesday, Dec. 9, 2025
Michelle Dee elevates casual outfit with designer bag
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Ruru Madrid


Hindi na maitago ni Ruru Madrid ang kaniyang excitement sa pagbabalik ng 'Lolong.'

Kailan lang ay ni-launch si primetime action hero Ruru Madrid, kasama ang aktres na si Max Collins, bilang mga bagong brand ambassador ng isang global watch brand. Kapansin-pansin ang suot niyang black, crocodile leather jacket na ayon sa aktor ay inspired sa kaniyang serye na Lolong, patunay ng kaniyang excitement sa nalalapit na pagbabalik nito on air.

Sa panayam sa kaniya ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras nitong Lunes, November 18, inamin ni Ruru na hindi na siya na makapaghintay na muling gawin ang kanilang drama-action series matapos ang ilang taon.

“Hindi na'ko makapaghintay na gawin ulit 'to, sabi ko nga, ito 'yung programang nagpabago sa aking buhay at talagang minahal ko ng sobra. You know, para balikan ang isang bagay na 'yun, napakasarap sa puso,” sabi ni Ruru.

TINGNAN ANG MGA ARTISTANG MAKAKASAMA NI RURU SA BAGONG YUGTO NG 'LOLONG' SA GALLERY NA ITO:

Bago sumabak uli sa matitinding action scenes ay muling nagsanay si Ruru kasama ang kaniyang co-stars na sina Paul Salas at Martin Del Rosario ng Filipino martial arts. Kasama rin sa kanilang pagsasanay ay ang paggamit ng iba't ibang armas tulad ng arnis, baston, palakol at punyal.

“Gusto kong maipagmalaki ang sariling atin dito sa Lolong at you know, to give inspiration din to the younger generation,” sabi ni Ruru.

Bukod sa ikalawang yugto ng kaniyang serye na Lolong: Bayani ng Bayan, ay dapat ding abangan si Ruru sa Metro Manila Film Fest entry na Green Bones na kailan lang ay nag-reveal na ng official poster. Dito makakasama niya si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa isang kuwento ng hope and redemption.

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Para kay Ruru, “never-ending process” ang self-improvement para maging better version ng kaniyang sarili.

Masaya rin umano ang aktor na sa pamamagitan ng kaniyang mga serye at pelikula, ay nakapgbibigay siya ng inspirasyon, lalo na sa mga kabataan.

“Napakasarap sa puso and nakaka-humble and para bang hindi nasasayang lahat ng mga pinaghihirapan at hardwork na ginagawa ko,” sabi niya.

Panoorin ang buong panayam ni Ruru dito: