
Magpapatuloy ngayong Sabado, july 8, sa Wish Ko Lang ang kuwento ng misis na si Jenalyn, na natuklasan ang panloloko ng asawang si Kevin matapos na nitong papasukin sa kanilang bahay ang babae nitong si Marla bilang isang kasambahay. Pero si Marla, nagkagusto rin daw kay Jenalyn!
Binibigyang-buhay ni Rochelle Pangilinan ang karakter ni Jenalyn, habang gumaganap naman bilang Kevin at Marla sina Paolo Paraiso at Maui Taylor sa Wish Ko Lang: Type ni Mister, Type din si Misis.
"Ang role ko riyan is si Jenalyn. Sa totoo lang, nagtanong ako sa EP namin kung true to life ba 'to? na pumayag siya [si Jenalyn], bakit ganun? Hindi ako makapaniwala na... lahat naman tayo 'di ba pagdating sa love aminin n'yo 'yan na minsan nakukrung-krung talaga tayo at hindi talaga tayo nakakapag-isip ng tama. Hindi ako makapaniwala na totoong kuwento siya," pagbabahagi ng aktres tungkol sa karakter na ginagampanan.
Dagdag niya, "Siyempre, tayong mga Pinoy, hindi natin uunahin 'yung sarili natin, uunahin natin palagi ang pamilya natin kung magkikipaghiwalay ka na ba? Parang iisipin mo palagi, 'Paano 'yung anak mo, lalaking walang ama?' Laging una 'yan, e'. Siguro isang beses, kaya lang dumalawang beses, tumatlo, hindi ko naiintindihan si Jenalyn. Pero pagdating naman sa huli... ginalingan naman ni Jenalyn, kaya abangan n'yo 'yan."
Para kay Rochelle, "napaka-heavy" ng episode na ito ng Wish Ko Lang dahil hindi raw niya inaasahang magiging ganoon kabigat ang kuwento nito.
Huwag palampasin ang ikalawang bahagi ng Wish Ko Lang: Type ni Mister, Type din si Misis ngayong Sabado, July 8, alas-4 ng hapon sa GMA.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.
Panoorin ang unang bahagi ng Wish Ko Lang: Type ni Mister, Type din si Misis sa video na ito:
MAS KILALANIN SI ROCHELLE PANGILINAN SA GALLERY NA ITO: