
Labis ang excitement ni Rochelle Pangilinan na muling gampanan ang iconic Encantadia character na si Agane para sa Sang'gre.
Noong Sabado, ipinasilip ng Sang'gre ang pagbabalik ng dating Hari ng Hathoria na si Hagorn (John Arcilla) at ng kanyang kanang kamay na si Agane, na ngayon ay mga naghahari sa Balaak (impyerno).
Sa Instagram, ipinasilip ni Rochelle ang ilang behind-the-scenes sa set ng Sang'gre--habang inaayusan bilang Agane at kulitan kasama sina Mikee Quintos at Kate Valdez.
May pasilip din siya sa taping sa Balaak kung saan dumating si Glaiza De Castro at masaya silang niyakap ni John Arcilla.
"Parang panaginip lang... pero totoo!" sulat ni Rochelle. "Ang pagbabalik sa Encantadia."
Abangan ang pagbabalik ni Rochelle Pangilinan bilang Agane simula ngayong Martes sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
RELATED GALLERY: Ivo Livé: Pirena's remarkable scenes on 'Encantadia
Chronicles:Sang'gre'