What's Hot

Rochelle Panglilinan, Arthur Solinap, nagtayo ng ice cream business

By Kristian Eric Javier
Published September 2, 2024 1:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Jimuel Pacquiao scores 1st win with 2nd-round KO of Darrick Gates
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

rochelle pangilinan and arthur solinap


Congratulations to Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap sa inyong bagong business!

Busy man sa kani-kanilang trabaho ngayon, hindi pa rin nakalilimot magbigay ng oras sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap sa kanilang anak na si Shiloh. Katunayan, nagkaroon pa sila ng oras para magtayo ng negosyo, isang ice cream shop sa Quezon City.

Sa panayam nila kay Nelson Canlas para sa Unang Hirit, sinabi nina Rochelle at Arthur na isa sa mga prayoridad nila ay ang kanilang family celebrations, kabilang na ang kanilang bagong negosyo.

Kuwento ni Arthur s pagsisimula ng kanilang ice cream shop, “Palagi kami nag-o-order ng ice cream, wala kami palaging mabilan dito sa QC. Naisipan namin, 'Bakit kaya hindi tayo magtayo ng hub dito?' So du'n nag-start.”

Nag-post din si Rochelle ng Insatgram reel kung saan makikita ang cast ng Pepito Manaloto an pinagsasaluhan ang avocado at gabi-keso flavors ng kanilang ice cream. Makikita rin ang bida nitong si Michael V na nag-i-scoop ng ice cream para sa mga kasamahan nila sa set.

Caption ni Rochelle sa post, “Open na ang @wiggiesqchub ! Sa #181 Maginhawa Quezon City! Alam na this!Thank you sa Pepito Family sa support! Grabe naman po ”

A post shared by Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan)

TINGNAN ANG IBA PANG CELEBRITIES NA SUMABAK DIN MAGNEGOSYO SA GALLERY NA ITO:

Patuloy pa ring napapanood si Arthur bilang si Robert Maceda sa sitcom Pepito Manaloto, habang si Rochelle naman sa kaniyang role bilang ang malupit na si Tiya Amalia sa hit historical series na Pulang Araw.

Ngayong simula na ng giyera sa pagitan ng Hapon at ng Pilipinas sa serye, matutunghayan na ba ang mabait at mapagmahal na bersyon ng kaniyang karakter?

“Siyempre, ang kahinaan ng isang matapang na babae 'yung pinakaminamahal niya sa buhay, which is 'yung anak niya at asawa niya,” sabi ng dancer-actress.

Ayob pa lay Rochelle ay kaabang-abang kung paano patatatagin ng panahon ang kaniyang karakter lalo na magiging sitwasyon nila sa bansa.

“Survival tayo, e, so siyempre, gagawin mo lahat para makahanap ng pangkain ng pamilya mo. Either mapasama ka minsan, or ano. E 'yung character ni Amalia, matapang,” sabi bni Rochelle.